Friday, January 15, 2016

Limang-Minutong Kumposisyon



Minsan may mga sugat na hindi gumagaling. Sadyang ngingatngat ng mahapding alaala. At kahit pilitin nating gumaling, hindi na. Kahit anong pagsisikap ang gawin para makaahon mula sa matulis na pangil ng masaklap na pag-ibig, hindi na. Wala ng pag-asa. At kung makaahon ka man, hindi na ikaw yun. Ibang tao ka na.

Pero ang maganda nito, pwede kang magsimula. Ibang tao ka na eh. Punong-puno ng posibilidad na pwedeng mangyari. And dami-daming pagkatao na pwede mong pagpilian. Kailangan mo lang pumili. Gusto mo bang maging sugatan habang-buhay? O gusto mo bang salubungin ang hinaharap kasama ang umaapaw na pag-asa. Pumili ka. Pumili ka nang mabuti.

No comments:

Post a Comment

I would love to read your comments. =O)